Wala na naman akong boses. Alam nyo hindi ko talaga maintindihan bakit laging nawawala boses ko. At nagkakataon pang first day or first week ng klase. Hindi naman ako singer. At lalong hindi ako barker. Whatev. Wa naman ako talaga care, eh kaso nataon naman na meron akong report. Dalawang report. Dalawang report na consecutive. Sigh.
Nairaos ko naman sya. Relief. Pero wala pa din akong boses. Huhu. Well base on experience, three days ang tinatagal ng pag-a-AWOL ng boses ko. Two days (or more) naman akong uubuhin. Ganun lang. Haha. So for sure may ubo ako nito pagkatapos. Second day ko ng boses-bading, so meron pa kong isang araw. Bilang na bilang talaga. Haha.
Number 2: Similar Tees
First wash day ng taon. Yey! Suot ko ang aking IamNinoy shirt. Eh diba nga nagreport ako so syempre nandun ako sa harapan. Eh yung isang sit-in namin na 5th year, naka-IamNinoy din sya pero ibang version. Bale parang pinsan sya nung shirt ko. Haha. So ayun, nung kinuha na yung attendance napansin nung prof namin na magpinsan nga yung shirt namin, sabi nya partners daw yung mga tshirt namin. tapos nag-react naman yung kasama ni Kuya Sit-In. Ako daw kasi si Ne tapos si Kuyang Sit-In, si Noy. Ne. Noy. Put them together, NeNoy. Hahaha. Corny! Corny!
Number 3: Straight Hair
Habang nirereview ko yung irereport ko, nag-meet yung mata namin nung panget na si Eli. Haha. Tapos tinuro nya yung buhok nya. Sabi nya:
Eli-Panget: Olis, magpa-rebond ka ng buhok. (Well, may iba pa bang pwedeng irerebond sa katawan ko? Haha.)
IamLaurice (Olis): Bakit?
Eli-Panget: Mas maganda kasi pag tuwid yung buhok.
IamLaurice: (Huh?) Bakit? Napapangitan ka ba sakin kapag kulot yung buhok ko?
Eli-Panget: Magpa-rebond ka nga.
IamLaurice: Napapangitan ka ba saken kapag kulot yung buhok ko?
Eli-Panget: (Iling)(Ngiti mukang ewan)
IamLaurice: Oh yun naman pala eh. (Loser.)
Ano bang problema sa buhok ko? Sabihin nyo nga saken. Ano ang problema? Puwera sa hindi sya kasing tuwid ng buhok ni Kim Chiu sa commercial ng New Rejoice with Fritz. Nasasaktan ba kayo pag nakikita nyo buhok ko? Siguro nga hindi pang-shampoo or conditioner commercial buhok ko pero mabango yan. Walang lisa. Walang dandruff. Walang kuto. Haha. At dahil sa sobrang inis ko, hindi na ko magpapa-straight ever! Itaga nyo sa mga bato ng Biak-na-Bato yan. Relax, rebond, semi-rebond. Hindi ako mag-gaganyan!
.....
Joke lang. Haha.
And alam nyo bang ngayon lang nangyari ang lahat ng yan? Corny..
Wag nyo ng sagutin. Haha.







