Pero bago yun, ikukuwento ko muna kung pano nakialam ang tadhana para mapanuod ko sa first day ang HP6. Kasi gusto ko talaga syang mapanuod sa unang araw ng showing kaya nalungkot talaga ko na Thursday sya ipapalabas dito since whole day ako sa school nun. Eh kahapon, which is Thursday nga, na-cancel bigla klase namin kasi busy mga Engineering faculty para sa accreditation. O diba? Sabi nga ng classmate ko pag may quiz kaming hindi natutuloy, "Nakialam na naman si Lord." Tingnan nyo oh, tadhana talagang magkita kami ni Ron Weasley. This is our destiny, yihee. Nakatanga ko dun sa attendance sheet ng naisip kong itext yung pinsan ko na manunuod ng HP6. "nsan na kau? ssma q, wla n kming klase. hntayin nyo q."
As in nung nasa jeep ako, gustong-gusto ko ng paliparin yung jeep eh. Kasi baka ako na lang hinihintay, iwanan pa nila ko. Naka-uniform pa ko nun, kamusta naman diba? Eh si manong driver, ewan ko dun napakadaming kaartehan sa buhay. Nanjan yung umihi sya, nangamusta ng mga kakilala na nakita sa daan, dumaan sa gas station hindi naman magpapa-gas! Ay never akong nagpakita ng pagka-imbyerna sa mga jeepney driver kahit late na late na ko sa school (hinahayaan kong mga co-passengers ko ang gumawa nun, nyehe), pero nun talaga, irap kung irap ako kay manong, haha! Nakarating naman ako at infairness, hindi lang pala ako ang hinihintay, si Ate jac pa, hehe.
Ang daming hindi pinakita. Pero hindi na ko nagtaka since ganun naman talaga lagi. Kaso yung White Thomb? Bakit wala yun? At bakit nasunog yung The Burrow? E diba sa simula ng book 7, dun ang magiging hideout nila Harry at ng iba pang Order of the Phoenix since hindi na nga pwede yung Grimmauld Place kasi alam yun ni Snape. Pano na yun? Kunwari na lang naiintindihan nyo, haha :P
Pero infairness, na-enjoy ko naman yung movie. Syempre, nandun si Ron Weasley eh, hehe. As in nung nagsisimula na talaga sya gusto kong sumigaw dun eh. Oa? Eh bakit ba! Fave ko yung part na nasa hospital wing si Ron after nyang malason dun sa kwarto ni Professor Slughorn. Saka yung scene sa may cave nung kukunin na nila yung locket na fake naman. Ang landi ng movie na yan! Haha. Sabi nga nung nabasa ko, dapat daw ang title nun eh, Harry Potter and the Teen-agers in Heat. Nyehehe. Pero iyon naman talaga yung story nun eh. Pati wizard naiinlove, pagbigyan nyo na, hihi. Sayang nga kasi single-viewing lang sya eh, for one week yun. Pero di bale na, manunuod naman ako ulit sa Saturday or Sunday (nagpromise ako kay Ap na sasamahan ko sya) then sa 22, with rangers. Actually hindi nila alam na napanuod ko na, so wag kayong maingay! Sshhh! Haha. Kung may Ranger na nakakabasa nito ngayon, sori! I promise na mag-a-act ako na parang hindi ko pa napapanuod sa Wednesday. Ni hindi nyo mahahalata na alam ko na mangyayare, wehehe.
And trivia:
Warner Bros. Pictures' Harry Potter and the Half-Blood Prince earned a massive $58.4 million from 4,275 theaters domestically on Wednesday, including a record-setting $22.2 million from midnight shows.
The opening is the second-best Wednesday ever, trailing only the $62 million Michael Bay's Transformers: Revenge of the Fallen made on June 24. The biggest day ever for a film was set by The Dark Knight with $67.2 million last year on July 18.
"Half-Blood Prince's" tally bested the $44 million earned by Harry Potter and the Order of the Phoenix on its opening Wednesday two years ago. It went on to earn $139.7 million domestically its first five days.(Source)
Wala lang, mai-share ko lang :D
Now, eto ang tip ko para sa mga gustong manuod ng HP6: For once, please, kalimutan nyong nabasa nyo yung book para ma-enjoy nyo ng bongga yung movie.
Oo talaga.



2 Remarks:
Haha. Super enjoy kay Rupert. Ohmy. :)
@ April Ann
Oo nga eh noh? Ron talaga forever :D
Post a Comment